Gumising ako ng ganap na alas 10 ng umaga, anlakas ng ulan. Nagpasya akong bumisita sa Lower part ng aming lugar pagbaba ko palang sumalubong sakin ang hanggang tuhod na tubig. Kinabahan agad ako para sa mga tao na nakatira doon lalo na sa mga kaibigan kong nakatira doon. Kami ng mga barkada ko ay naggalagala upang matulungan ang ibang mga lumulikas. Nung kami ay makatapos na madali kaming umakyat sa aming lugar dahil kami ay kinutuban na. Nagulat ako dahil ang tubig sa bahay ay hanggang tuhod na. Nagmadali akong ilikas ang aming mga kagamitan, tinaas ang mahahalagang gamit tulad ng mga papeles. Tapos agad kong tinulungang makalikas ang aking ina at pamangkin sa kapit bahay na mataas ang bahay habang kami ng kuya ko ay nagtulong na isalba ang mga kagamitang aming pinahahalagahan. Nung nasa leeg ko na ang tubig agad akong lumikas sa mas mataas na lugar at nagpaiwan ang kuya ko para siguraduhing walang makalalabas na kagamitan sa bahay namin. Saktong ala-una ng lumaki ng tuluyan ang tubig lahat ng pinaghirapan namin ng kuya ko na iaakyat ay inabot din ng tubig, halos bubong nalang ang kita sa aming bahay. Ako ay nanghina, dahil halos lahat ng gamit ko sa scouting lalo na ang mga pinakaiingatan kong mga Certificates ay nawalang parang bula, sinira lahat sila ng baha. Kaya ako ay labis na nanghina. Saktong alas 4 ng madaling araw ng bumaba ang tubig, nagmadali kami ng kuya ko na bumaba at linisin kaagad ang aming bahay. Sobrang kapal ng putik at talagang binasa laht ng kagamitan namin. Ito lang ang ating pakatatandaan, walang dapat sisihin sa nangyaring ito hindi si Undoy, hindi ang kalikasan, at lalong hindi ang Diyos, Kundi tayong mga taong sumisira at umaabuso ng lubusan sa inang kalikasan na nagsisilbing tahanan nating lahat na nilikha ng Diyos. Pero dapat parin tayong magpasalamat dahil hindi gabi naganap ang trahedya dahil kung hindi baka hindi lang 200+ o 300+ ang namatay, baka higit pa rito. Mga kapatid mag-isip din tayo kung papano natin matutulungan ang ating mga kapatid na sinalanta kagaya ko at kung papano tayo makakapagbayad ng kasalanan sa Kalikasan at sa Diyos.......
Tags:
Share
-
▶ Reply to This